NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Patuloy ang pagbuga ng abo ng Kanlaon Volcano nitong Lunes at Martes, ngunit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), hindi ito senyales ng pagtaas ng alert level.
Naitala ang 12 ash emissions noong Lunes at apat noong Martes.
Nananatili ang bulkan sa alert level 2.
Ayon kay Ma. Antonia Bornas ng Phivolcs, magandang senyales ang ash emissions dahil ibig sabihin ay hindi barado ang vents ng bulkan.
Dagdag niya, hindi naman tumaas ang bilang ng lindol sa bulkan, at normal din ang sulfur dioxide emissions na nasa humigit-kumulang 2,000 tonelada kada araw.
Sa kasalukuyan, wala pang indikasyon ng mataas na posibilidad ng explosive eruption o pangangailangang itaas ang alert level ng Kanlaon. RNT/MND