Home METRO 16 pamilya sa Munti sa kalsada magpapasko matapos masunugan

16 pamilya sa Munti sa kalsada magpapasko matapos masunugan

MANILA Philippines – Nasa 16 na pamilya ang naapektuhan nang masunog ang isang residential area sa Muntinlupa madaling araw ng Disyembre 2, Sabado.

Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Garcip Compound sa Barangay Cupang dakong 5:39 ng umaga.

Itinaas ng mga bumbero ang unang alarma alas-5:44 ng umaga at nakontrol ang sunog alas-6:10 ng umaga bago ito naapula alas-6:30 ng umaga.

Wala namang nasugatan sa sunog na napinsala ng P75,000 halaga ng mga ari-arian. Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog.

May kabuuang 21 fire truck at pitong ambulansya ang rumesponde sa insidente. RNT

Previous article#WalangTubig 9 araw sa 5 NCR cities
Next article3K-5K PDLs palalayain ngayong Disyembre