Home NATIONWIDE 16 show-cause orders inilabas vs nananaga ng imported rice

16 show-cause orders inilabas vs nananaga ng imported rice

277
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng 16 show-cause orders laban sa mga retailer na nagbebenta ng imported rice nang mas mataas sa maximum suggested retail price (MSRP) na P43 kada kilo para sa 5% broken rice.

“Part ng explanation nila, magkano nila nakuha ‘yun at bakit nila ititinda nang mahal? Unless mahal nila nakuha. Tapos aalamin kung saan nila nakuha,” ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, na nagpaliwanag na kailangang ipaliwanag ng mga retailer ang kanilang presyo at i-trace ng DA ang kanilang suppliers kung kinakailangan.

Karamihan ng orders ay inilabas sa Agora Public Market (pito ka stall), sinundan ng Pritil Market at Kamuning Public Market (apat bawat isa), at Commonwealth Market (isa).

Sa kasalukuyan, ang presyo ng 5% broken imported rice sa Metro Manila ay humigit-kumulang PHP48.62/kg, well-milled imported rice PHP40/kg, at regular-milled PHP39.55/kg. Ayon sa DA, walang dahilan para sa mataas na presyo, dahil mababa ang import cost at sapat ang lokal na supply.

Hinimok ni De Mesa ang publiko na kumain ng lokal na bigas bilang suporta sa mga magsasaka at tiniyak na sapat ang rice stocks para sa halos tatlong buwan, na may projected 3.4 milyong metric tons ng ending stock sa pagtatapos ng taon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here