Home NATIONWIDE Status quo ante order sa diskuwalipikasyon ng Tarlac mayor. inilabas ng SC

Status quo ante order sa diskuwalipikasyon ng Tarlac mayor. inilabas ng SC

290
0

MANILA, Philippines – Pinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng Commission on Elections (Comelec) sa disqualification ni Tarlac City Mayor Susan Areno Yap-Sulit sa pamamagitan ng pagpapalabas ng status quo ante order.

Sa utos ng Korte Suprema, mananatili muna sa dati ang sitwasyon ng posisyon bago pa lumabas ang desisyon ng Comelec En Banc habang patuloy pang dinidinig ang kaso.

Inatasan din ng Korte Suprema ang mga respondent na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso.

Si Yap-Sulit ay naghain ng petition for certiorari na humihiling ng temporary restraining order o status quo ante order laban sa COMELEC En Banc Resolution na inilabas noong Oktubre nagdiskwalipika sa kanya sa pagka-alkalde.

Una nang inatasan ng Department of Interior and Local Government ang regional office nito sa Central Luzon na ipatupad ang desisyon ng Comelec na nag-disqualify sa nasabing alkalde matapos kumpirmahin na bakante ang posisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here