MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Land Transportation Office (LTO) na imbestigahan ang nasa 160 medical clinics sa buong bansa na pinaniniwalaang nagbigay ng sertipikasyon nang hindi sinusuri ang mga pasyente.
Ayon kay LTO chief at transportation Assistant Secretary Vigor Mendoza II, nakatanggap ng report ang ahensya patungkol sa mga tiwaling LTO-accredited medical clinics na sangkot sa “nonappearance issuance” ng medical certificates.
“It’s very clear that even if you do not undergo checkup in these clinics [and] just as long as you’re willing to pay, you will be issued medical certificates. This is not right and we ensure that we will go after them,” saad sa pahayag ni Mendoza.
Anang assistant secretary, makatatanggap ng show-cause orders sa susunod na linggo ang lahat ng 160 medical clinics.
Dagdag pa ni Mendoza, ipinag-utos na ni Transportation Secretary Vince Dizon sa LTO na ihanda ang lahat ng kaukulang administrative at criminal charges sa lahat ng sangkot kabilang ang mga doktor na signatories ng mga nonappearance medical certificates.
Aniya, ang modus operandi ng medical clinics kung makukumpirma ay “clearly compromised road safety since there is no actual check-up for applicants of driver’s license.”
“I have already ordered the respective regional directors to retrieve all the medical certificates issued by these medical clinics and to inform those who were issued with driver’s license through questionable medical certificates to explain,” ani Mendoza.
“If evidence warrants, we will revoke the accreditation of these medical clinics and impose a lifetime ban against them for any transaction with the LTO in the future,” dagdag pa. RNT/JGC