Home NATIONWIDE 160 election-related concerns naitala ng DepEd

160 election-related concerns naitala ng DepEd

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes, Mayo 12, na nakatanggap ito ng 160 report mula sa mga field office kaugnay sa nagpapatuloy na 2025 national at local elections.

Hanggang nitong 1:30 ng hapon, sinabi ng DepEd Election Command Center na karamihan sa mga sumbong ay tungkol sa mga isyu sa automated counting machines (ACMs), nawawalang pangalan sa voter’s list, at health-related concerns mula sa mga guro at tauhan nito.

“Ang mga ulat ay kaagad na tinutugunan sa koordinasyon ng Comelec, PNP, at iba pang mga katuwang na ahensya upang masiguro ang maayos, ligtas, at tapat na halalan,” ayon sa ahensya.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang election task force na pinangungunahan ni DepEd Undersecretary for Operations Malcolm Garma sa regional at division teams upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa bawat insidente lalo na sa kapakanan at kaligtasan ng mga guro at tauhan na kasalukuyang nagbabantay sa halalan.

Ngayong araw din ay sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na pinalitan nito ang nasa 200 ACMs dahil sa ‘malfunction.’ RNT/JGC