Home NATIONWIDE 165 OFWs mula Kuwait, ligtas na nakauwi sa bansa

165 OFWs mula Kuwait, ligtas na nakauwi sa bansa

1
0

MANILA, Philippines – Ligtas na nakabalik sa Pilipinas ang 165 overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait matapos dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Martes bilang bahagi ng patuloy na repatriation efforts ng pamahalaan sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Dumating ang mga OFW dakong alas-11 ng umaga matapos bumiyahe mula Kuwait patungong Riyadh, Saudi Arabia, bago lumipad pabalik ng Maynila sa ilalim ng koordinadong operasyon ng gobyerno.

Isinagawa ang repatriation sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagbigay-diin sa pangangalaga at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na apektado ng kaguluhan sa rehiyon.

Ayon sa datos ng pamahalaan, halos 11,000 OFWs at kanilang mga pamilya na ang napauwi mula Pebrero. Sa bilang na ito, 6,060 ang naihatid sa bansa sa pamamagitan ng mga flight na pinondohan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Emergency Repatriation Fund.

Kabilang sa mga ahensyang tumulong sa operasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), OWWA, mga embahada ng Pilipinas, Migrant Workers Offices at iba pang partner agencies.

Muling tiniyak ni OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne “PY” Caunan ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

“We remain hopeful for a peaceful, just, and lasting peace for the benefit of all, especially our OFWs who work hard and sacrifice for their families every day,” ani Caunan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here