Home NATIONWIDE 1,665 dating rebelde nag-aplay ng amnestiya – OPAPRU

1,665 dating rebelde nag-aplay ng amnestiya – OPAPRU

MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) nitong Huwebes na may kabuuang 1,665 na dating rebelde ang nag-aplay para sa amnestiya na inaalok ng gobyerno,

Sa mga ito, 1,061 ay dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at kanilang mga front organization.

Nasa 344 pa ay mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF); 241 mula sa Moro National Liberation Front (MNLF); at 19 mula sa Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

Ayon kay Commissioner Jamar Kulayan ng National Amnesty Commission (NAC), ang bilang ay mababa pa rin sa target ng gobyerno na 2,000.

Under verification naman ang nasa 1,260 sa mga aplikante habang 331 ay para sa kumperensya, 33 para sa resolusyon, at 41 lamang ang nalutas ng Local Amnesty Boards (LABs) at nakahanda para sa pagsusuri ng NAC.

Ang mga LABs ay nagsisilbing mga sentro kung saan ang mga rebelde ay maaaring makakuha ng kanilang amnestiya, ngunit para lamang sa mga political crimes.

Ang proseso ng amnestiya ay nangangailangan ng patunay ng pagkakakilanlan, ng kaakibat, at ng paggawa ng isang krimen.

Ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF ay pinagkalooban ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Proclamation No. 404.

Ang mga miyembro ng RPMP-RPA-ABB, MILF, at MNLF ay nabigyan ng amnestiya sa ilalim ng Proclamation Nos. 403, 405, at 406, ayon sa pagkakabanggit.

Sa ilalim ng proklamasyon na inilabas noong Nobyembre 23,2023, ang mg miyembro ng mga rebel groups ay may dalawang taon para mag-apply ng amnestoga .

Isinusumite ang aplikasyon sa LABs na siyang humahawak din sa inisyal na proseso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)