Home NATIONWIDE 167 Chinese nationals mula sa sinalakay na Pasay POGO dineport na

167 Chinese nationals mula sa sinalakay na Pasay POGO dineport na

MANILA, Philippines- Nasa 167 Chinese nationals na trabahador ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay City na sinalakay ng mga awtoridad noong nakaraang taon ang dineport sa China nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nagtrabaho ang Chinese nationals para sa Zun Yuan Technology, Inc.

Umalis ang Shanghai-bound flight nila ng alas-10 ng umaga.

Sinamahan nina PAOCC spokesperson Winston John Casio at Director Winnie Quidato, maging ng mga opisyal ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group, ang deportees.

Sinabi ni Casio na makikipagpulong sila sa kanilang counterparts sa China “to finally put a stop to this POGO scourge.” RNT/SA