Bulacan – Aabot sa 50 kabahayang magkakadikit at gawa sa light materials ang mabilis na tinupok ng apoy habang nasa 200 indibidwal ang nawalan ng masisilungan sa bayan ng Guiguinto.
Sa nakalap na impormasyon, naganap ang sunog nitong umaga ng Martes, Mayo 14, sa isang looban na kung tawagin ay Sitio Capin sakop ng Brgy. Ilang-Ilang.
Ayon sa impormasyon, bagama’t may kasikipan ang lugar ay nagtulong-tulong ang mga residente at mga bumbero kaya naapula ang sunog kalaunan.
Napaglamang humihingi ng tulong ang mga biktimang pansamantalang inilikas sa kanilang lugar gaya ng mga damit, tubig, kumot, pagkain at iba pang pangangailangan.
Habang sinusulat ito, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.
Gayunman, maraming netizens ang nais magpaabot ng tulong para sa mga biktima
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog at pinsala ng naturang insidente. Dick Mirasol III