Home METRO 168 pasahero nasagip sa sumadsad na barko

168 pasahero nasagip sa sumadsad na barko

MANILA, Philippines- Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 168 pasahero ng isang barko na sumadsad sa katubigan ng Romblon nitong Lunes.

Sumadsad ang MV SWM Salve Regina, na sakay din ang 55 crew members, sa Sito Agbuyog, Barangay Capaclan Romblon, Romblon ng alas-11:45 ng gabi nitong Linggo.

Umalis ito sa Magdiwang Port sa Romblon, at patungong Romblon, Romblon, sabi ng PCG.

Matapos malaman na may sumadsad na barko, nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Romblon sa mga lokal na awtoridad para ilunsad ang ligtas na paglikas ng mga pasahero, na lahat ay nasa mabuting pisikal na kondisyon.

“All 168 passengers were safely brought to Romblon Public Plaza, while the 55 crew members, including the master of the ship, stayed at MV SWM REGINA for vessel monitoring,” sabi ng PCG .

Wala namang pinapakitang palatandaan ng oil spill sa ngayon ang sumadsad na passenger vessel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBabae timbog sa P2M shabu
Next articleTapat na paglilingkod