Home METRO Babae timbog sa P2M shabu

Babae timbog sa P2M shabu

MANILA, Philippines- Arestado ang babaeng hinihinalang tulak matapos makuhanan ng humigit-kumulang P2 milyong ilegal na droga nitong Sabado, sa Purok Maligaya Barangay Cotta sa lungsod ng Lucena, sa Quezon.

Kabilang ang suspek sa talaan ng pulisya ng High Value Individuals at kinilala sa alyas na Ann, 45, residente ng Purok Matahimik Isla sa nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ni PCol. Ledon D. Monte, Provincial Director ng Quezon PPO, kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, nitong Sabado, sa pamamagitan ng nagpanggap na poseur buyer kung saan hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ito habang inaabot ang hinihinalang ilegal na droga.

Narekober sa suspek ang 17 transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 102 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P2,080,800, weighing scale at shoulder bag ng suspek.

“Tinitiyak ng Quezon PNP na patuloy ang pinaigting at pinahusay na kampanya kontra ilegal na droga para mapanatili maging ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng buong lalawigan,” ayon Kay PCol Ledon D. Monte.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ellen Apostol

Previous articlePinas nakapagpo-produce ng 22M toneladang basura kada taon – DILG
Next article168 pasahero nasagip sa sumadsad na barko