Home METRO 17-anyos na dalagita ginahasa ng employer

17-anyos na dalagita ginahasa ng employer

MANILA, Philippines – Panggagahasa ang sumalubong sa isang 17-anyos na dalagita mula sa employer nito sa unang araw ng kanyang trabaho sa isang bakery sa Quezon City.

Ayon sa ulat, ang biktima ay nagmula pa sa Mindoro at nakahanap ng trabaho sa Manila.

Dahil dito, nagdesisyon ang dalagita na magsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Initially, fa-filean natin ng rape under the Revised Penal Code, at the same time, yung sextortion,” sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc sa panayam ng GMA News.

Nasa kustodiya na ng NBI sa Quezon City ang suspek. RNT/JGC