Home NATIONWIDE 17-anyos na nanay, timbog sa pagbebenta ng sanggol ng P55K sa QC

17-anyos na nanay, timbog sa pagbebenta ng sanggol ng P55K sa QC

200
0

MANILA, Philippines — Arestado ang 17-taong-gulang na ina dahil sa umano’y pagbenta ng kanyang isang buwang sanggol sa halagang P55,000 sa pamamagitan ng entrapment operation sa isang fast-food restaurant sa Quezon City noong Enero 6, ayon sa ulat ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) nitong Huwebes.

Natuklasan ng pulisya ang post ng dalagita sa social media na nag-aalok ng P50,000 para sa sanggol.

Sinabi ni WCPC chief Brig. Gen. Maria Sheila Portento na ibinunyag ng ina ng dalagita na gagamitin ang pera para sa tuition ng anak.

“Based on the investigation of our investigators, they were actually communicating with another person in Japan who was sending them money to buy the baby,” dagdag ni Portento. Hindi niya tinukoy kung magkano na ang naipadala.

Ipinasa ang dalagita at ang kanyang sanggol sa Quezon City Social Services Department.

“Her discernment, based on the certification of the social worker who conducted the assessment, was above average. She was fully aware; she planned it and executed it,” dagdag pa ni Portento sa posibleng pananagutan ng dalagita.

Maaaring kasuhan ang suspek sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at Cybercrime Prevention Act dahil ginamit niya ang social media sa pagbebenta.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang posibleng papel ng ama ng sanggol, na kamakailan lamang ay nag-18 na taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here