MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na motorcycle rider ang namatay matapos bumangga sa poste ng ilaw nang mag-overtake ito ng isang sasakyan sa Silang, Cavite.
Ayon sa ulat, nadala pa sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Alyas Josh, 17, residente ng Brgy. Maguyam, ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital.
Base sa ulat, bandang ala-1:40 ng madaling araw ng Martes nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maguyam Road.
Dito, minamaneho ni Alyas Ricky ang kanyang kulay purple na Yamaha Mio Sporty na may plakang 863 NHA patungo sa direksiyon ng Kaong, habang sa kabaligtarang lane naman ay binabaybay ni Alyas Ash ang SYM Bonus X na kanyang sinasakyan.
Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, tumigil si Alyas Ricky nang tangkaing mag-overtake ni Alyas Ash sa isang sasakyan at pumasok sa kabilang lane.
Dahil dito, nasagi ang kanang bahagi ng motorsiklo ni Alyas Ricky, nawalan siya ng kontrol, at bumangga sa street light na naging sanhi ng matinding pinsala at ikinamatay niya. Margie Bautista