Home METRO Sandiganbayan naglabas ng desisyon vs Zaldy Co at ilang Sunwest officials

Sandiganbayan naglabas ng desisyon vs Zaldy Co at ilang Sunwest officials

316
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco na nagpapatunay sa kanyang mga paunang babala ang pinakabagong desisyon ng Sandiganbayan na idineklarang “fugitives from justice” si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at tatlong board members ng Sunwest Inc.

Iniutos ng Sandiganbayan Fifth Division ang agarang pagkansela ng kanilang Philippine passports matapos mabigo ang mga awtoridad na mahanap ang mga akusado.

Ani Tiangco, “This ruling confirms what I had been warning about from the start. Matagal na nating sinasabi ito. Ngayon, mismong Sandiganbayan na ang nagpatunay.”

Pinagbigyan din ng Sixth Division ang mosyon ng prosekusyon na pagsama-samahin ang mga kaso ng malversation at graft kaugnay ng umano’y maanomalyang road dike project sa Oriental Mindoro.

Giit ni Tiangco, “Ang mahalaga ngayon, siguraduhin na maharap sa hustisya ang mga dapat managot.” Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here