MANILA, Philippines – Natagpuan na ang bangkay ng 17-anyos na binatilyong nalunod matapos sagipin ang dalawang kaibigang muntik nang malunod sa beach sa Barangay Dumoy, Davao City.
Hindi na siya nakabalik sa baybayin matapos ang pagligtas noong Sabado.
Lunes ng hapon, natagpuan ang kanyang katawan malapit sa Toril Fishport sa Barangay Daliao.
Samantala, isang pitong-taong-gulang na bata ang nalunod sa isang resort sa parehong barangay noong Linggo.
Ayon sa ina, nawala ito sa paningin habang naliligo sa dagat. Natagpuan ang bata malapit sa batuhan at idineklarang dead on arrival sa ospital. RNT