MANILA, Philippines – Isang lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang tumama sa silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 ng umaga, Hulyo 30, 2025.
Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang pagtaas ng tubig (mas mababa sa 1 metro) ang mga baybayin sa Pilipinas na nakaharap sa Pacific Ocean bunsod ng tsunami wave sa pagitan ng 1:20 PM hanggang 2:40 PM.
Pinapayuhan ang mga residente na maging handa sa bugso ng alon sa dalampasigan ng 22 lalawigan kabilang ang:
Batanes Group of Islands
Albay
Dinagat Islands
Cagayan
Sorsogon
Surigao del Norte
Isabela
Catanduanes
Surigao del Sur
Aurora
Northern Samar
Davao del Norte
Quezon
Eastern Samar
Davao Oriental
Camarines Norte
Leyte
Davao Occidental
Camarines Sur
Southern Leyte
Davao del Sur
Davao de Oro







