Home METRO 17-anyos tinaga sa mukha ni erpat

17-anyos tinaga sa mukha ni erpat

MANILA, Philippines – Tinaga sa mukha ang isang 17-anyos na babae ng kanyang mismong ama sa loob ng kanilang bahay sa Vigan City, Ilocos Sur.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lasing umano ang suspek na umuwi sa kanilang bahay.

Naungkat ang pakikipagrelasyon ng dalaga na naging sanhi umano ng pag-aaway ng mag-ama na humantong sa pananaga.

Isinugod naman ang biktima sa ospital na kasalukuyang nagpapagaling.

Sumuko naman ang suspek sa pulisya pero kalaunan ay nagpasya ang biktima at mga kaanak nito na huwag kasuhan ang kaniyang ama. RNT

Previous articleRayver, sosorpresahin ng kasal si Julie Anne!
Next articleP5.2M bloke ng marijuana nasabat sa 3 suspek