Home NATIONWIDE 17 barangay sa Butuan City lubog sa baha

17 barangay sa Butuan City lubog sa baha

315
0

MANILA, Philippines – Nasa 552 pamilya o 2,306 indibidwal mula sa 17 barangay sa Butuan City ang apektado ng pagbaha nitong Sabado, Nobyembre 8 sa ulan na dala ng Bagyong Uwan.

Inilagay ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang lungsod sa red alert para sa mas mabilis na koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at awtoridad.

Hinimok ng City Government of Butuan ang mga residente partikular sa low-lying at flood-prone areas na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga opisyal ng barangay kung kinakailangan ang paglilikas.

Samantala, mabilis namang tumaas ang tubig-baha sa Barangays Pigdaulan, Lemon, Basag, at Pianing kasunod ng malakas na pag-ulan mula Biyernes ng gabi.

Hanggang umaga naman ng Sabado, hindi na madaanan ang Ampayon Road malapit sa Rotunda at public market dahil sa pagbaha.

Binuksan na ang gymnasium ng Caraga State University (CSU) bilang evacuation area para sa mga estudyante na naapektuhan ng pagbaha.

Nag-alok din ang CSU Disaster Risk Reduction and Management Office ng sasakyan para sa pagbiyahe at paglilikas ng mga apektadong estudyante mula sa kani-kanilang boarding houses. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here