MANILA, Philippines – Istranded ang mahigit 1,700 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Bicol Region nitong Sabado, Nobyembre 8 dahil sa banta ng Bagyong Uwan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Bicol, mayroong 1,757 pasahero ang istranded sa mga pantalan sa Albay, Masbate at Sorsogon.
Nasa 654 rolling cargoes, pitong barko at dalawang motorbanca ang stranded habang 19 barko naman ang nakahimpil sa ligtas na lugar.
Inilagay sa heightened alert status ang lahat ng pantalan upang agad na makatugon sa mga pangyayari na may kinalaman sa bagyo. RNT/JGC