Home HOME BANNER STORY 17 lugar tutustahin ng malaimpyernong init sa Labor Day

17 lugar tutustahin ng malaimpyernong init sa Labor Day

MANILA, Philippines – Labimpitong lugar sa Pilipinas ang inaasahang makararanas ng “danger level” na heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 45°C sa Huwebes, Mayo 1, ayon sa bulletin ng PAGASA noong Abril 30.

Pinakamataas ang inaasahang 45°C sa Sangley Point sa Cavite at Ambulong sa Batangas.

44°C

NAIA, Pasay City
Dagupan City, Pangasinan
Iba, Zambales

43°C

Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
San Ildefonso, Bulacan
TAU Camiling, Tarlac
Alabat, Quezon
Masbate City, Masbate

42°C

Bacnotan, La Union
Tuguegarao City, Cagayan
ISU Echague, Isabela
Hacienda Luisita, Tarlac City
San Jose, Occidental Mindoro
Cuyo, Palawan
CBSUA-Pili, Camarines Sur

Ayon sa PAGASA, ang heat index na 42°C hanggang 51°C ay nasa kategoryang “delikado” at maaaring magdulot ng heat stroke.

Pinaalalahanan ni Dr. Marvin Manzano mula sa Office of Civil Defense ang publiko na sundin ang mga abiso ng pamahalaan upang manatiling ligtas.

Nagbigay rin ng paalala ang Department of Health na uminom ng hanggang 10 basong tubig bawat araw, lalo na sa mga may matagal na pagkababad sa araw, dahil posibleng umabot sa 50°C ang heat index sa ilang lugar. RNT