Home METRO 17 mangingisda nabingwit sa illegal fishing

17 mangingisda nabingwit sa illegal fishing

153
0

Dinakip ang 17 mangingisda at nasamsam ang P1.4 milyong halaga ng ibat-ibang kagamitan sa pangingisda sa joint law enforcement operation sa karagatan ng Balesin Island sa Polillo, Quezon.

Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nangyari ang operasyon noong Linggo sa isang seaborne patrol na nagta-target sa mga aktibidad ng ilegal na pangingisda sa lugar na nakapalibot sa Lamon Bay.

Sa panahon ng pagpapatrolya, naispatan ng provincial patrol boat ang isang fishing banca na ginagamit ng Buli-Buli na isang paraan ng illegal na pangingisda

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan mula PCG Sub Station Polillo, Bantay Dagat Polillo, ang Philippine National Police (PNP) Maritime Group sa Polillo, Delta Company ng 1st Infantry Battalion, at 2nd Infantry Division ng Philippine Army.

Kabilang sa dinakip sina Rendon Ebuenga Mendoza, , Joel Samson Caballera , Edwin Dela Cruz na isang master fisherman, at 14 pang crew members.

Tinatayang nasa P1.12 milyon ang market value ng nasamsam na bangkang pangisda at iba pang ari-arian habang nasa P300,000 ang 800 kilo ng sari-saring isda na dala ng mga ito.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here