Home NATIONWIDE 17 parak na tumotoma sa istasyon, sinibak

17 parak na tumotoma sa istasyon, sinibak

195
0

MANILA, Philippines – Tinanggal sa puwesto ang 17 pulis, halos kalahati ng tauhan ng Dolores Municipal Station sa Eastern Samar, matapos umanong mag-inuman sa loob ng police station sa kanilang Christmas party.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Analoza Catilogo-Armeza ng PNP Regional Public Information Office sa Eastern Visayas, naging viral ang insidente sa social media.

Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa loob ng police station.

Kasama sa inalis ang hepe ng istasyon at isang non-uniformed personnel. Ayon kay Catilogo-Armeza, magkakaroon ng reassignment ng mga tauhan upang mapalitan ang mga inalis. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here