Home NATIONWIDE 17 sa 29 parak sa P6.7B drug haul, nasakote na

17 sa 29 parak sa P6.7B drug haul, nasakote na

MANILA – Dalawang pulis na sangkot sa kontrobersyal na maling paghawak ng P6.7-bilyong halaga ng droga noong Oktubre 2022 ang naaresto sa Pasay City nitong Lunes ng gabi.

Naaresto ang Chief Master Sergeant at Master Sergeant sa Barangay 70 bandang 7:20 p.m., ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pag-aresto sa dalawa, 17 sa 29 na opisyal na wanted kaugnay ng kaso ang nasa kustodiya na ngayon.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, ilan sa natitirang 12 suspek ang nagpahayag ng kagustuhang sumuko.

Naglabas ang Manila Regional Trial Court ng mga warrant laban sa mga opisyal dahil sa alegasyon ng pagtatanim ng ebidensya at maling paghawak ng kaso sa operasyon kontra droga. Binuo na ng PNP ang Task Force 29 para habulin at hulihin ang mga sangkot. Santi Celario