MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), may humigit-kumulang 170 Pilipino na nasa mga scam hub sa Timog-Silangang Asya ang naghihintay pa ng repatriation, kasunod ng pag-uwi ng 346 na mga kapwa Pilipino noong Miyerkoles, Nobyembre 12, 2025.
Sinabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona na aktibo ang mga kahilingan ng mga Pilipinong ito ngunit hindi pa naaksyunan, at patuloy ang verification ng kanilang sitwasyon.
Pinangako naman ng DFA na nakikipag-ugnayan ang mga embahada sa mga lokal na awtoridad sa ASEAN upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang pinapadali ang proseso ng pag-uwi.
Inaalam pa rin ng DFA ang ulat ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa iba’t ibang scam centers sa Thailand, Myanmar, Laos, at Cambodia. Ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Yangon sa mga numerong +959985210993, +959985210998, +959409883434 (Viber), +959985210996 o sa email na [email protected]. Dave Baluyot .