Home NATIONWIDE MMFF Auditorium inalay ng MMDA kay dating First Lady Imelda Marcos

MMFF Auditorium inalay ng MMDA kay dating First Lady Imelda Marcos

277
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang MMFF Auditorium bilang pag-alala kay dating First Lady Imelda Romualdez Marcos, ang kauna-unahang gobernador ng dating Metro Manila Commission (MMC), ngayong Martes, Nobyembre 12, 2025.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng 50th Founding Anniversary ng MMDA na may temang, “Honoring the Past, Inspiring the Future: 50 Years of Quality Service and Governance.” Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang seremonya, na dinaluhan ni Mrs. Marcos bilang guest of honor.

Danny Querubin

“Sa pagkilala sa kanyang hindi matatawarang pamana, ang MMFF Auditorium ay inilalaan sa dating First Lady para sa kanyang ambag sa Philippine cinema industry, suporta sa Metro Manila Film Festival, at sa pagpapaunlad ng kultura ng mga Pilipino,” ani Artes.

Bilang unang gobernador ng MMC noong 1975, naitampok ni Mrs. Marcos ang urban development ng Metro Manila sa ilalim ng “City of Man” campaign at ang pagpapalakas ng industriya ng pelikula sa bansa sa pamamagitan ng pagtatatag ng Cultural Center of the Philippines at Manila International Film Festival.

Ang MMFF Auditorium sa ikalimang palapag ng bagong MMDA Head Office sa Pasig City ay magsisilbing venue para sa pagtatanghal ng talento at sining ng mga Pilipino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here