Home HEALTH 1,700 namamatay pa rin sa COVID linggo-linggo – WHO

1,700 namamatay pa rin sa COVID linggo-linggo – WHO

MANILA, Philippines – Pumapatay pa rin ang COVID-19 ng nasa 1,700 katao kada linggo sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Huwebes, Hulyo 11.

Ito ang babala ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus kasabay ng pagbaba sa vaccine coverage.

Sa kabila ng patuloy na death toll, “data show that vaccine coverage has declined among health workers and people over 60, which are two of the most at-risk groups,” anang UN health agency chief sa press conference.

“WHO recommends that people in the highest-risk groups receive a COVID-19 vaccine within 12 months of their last dose.”

Sa kasalukuyan ay mahigit pitong milyong COVID-19 deaths na ang naitala ng WHO.

Matatandaan na idineklara ng WHO ang pagtatapos ng international public health emergency sa COVID-19 noong Mayo 2023, o mahigit tatlong taon nang unang naitala ang virus sa Wuhan, China noong 2019. RNT/JGC