Home METRO Senior na ‘di nagpautang, pinagsasaksak

Senior na ‘di nagpautang, pinagsasaksak

148
0

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak ng walong beses ang isang babaeng senior citizen matapos na hindi magpautang.

Sa imbestigasyon, pumunta umano ang isang babae sa bahay ng senior sa Pidigan, Abra para sana mangutang ng P2,000 pero hindi ito napautang ng matanda.

Matapos ang ilang sandali ay bumalik ang babae saka niyaya ang senior na umakyat ng burol.

Doon na pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang kutsilyo.

Sa kabutihang palad ay hindi nasawi ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated murder. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here