Home NATIONWIDE Rollback sa produktong petrolyo, asahan!

Rollback sa produktong petrolyo, asahan!

126
0

MANILA, Philippines – Posible ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes, Hulyo 12.

Sa update, sinabi ng DOE na possible ang rollback na P0.70 hanggang P0.90 sa kada litro ng gasolina, habang P1 hanggang P1.15 naman ang rollback sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ang pagbaba sa presyo ng produkto ay may kinalaman sa paghina ng inflation data sa China, Hurricane Beryl at ang status ng dolyar.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw.

Matatandaan na nitong Martes, Hulyo 9, ay nagpatupad ng dagdag sa presyo na P1.60, P0.65 at P0.60 sa kada litro ang mga kompanya ng langis para sa gasolina, diesel at kerosene. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here