Home HOME BANNER STORY 172 arestado sa ilegal e-sabong sa Maynila

172 arestado sa ilegal e-sabong sa Maynila

204
0

MANILA, Philippines – Nabuking ng pulisya ang umano’y ilegal na e-sabong sa isang coliseum sa Vitas, Tondo, Maynila, ayon sa CIDG NCR.

Ayon kay Col. John Guiagui, CIDG NCR Chief, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa operasyon noong nakaraang taon, na humantong sa raid noong Martes ng gabi. Nahuli ang 172 katao, kabilang ang mga bettor at mga opisyal ng operasyon.

Tinatayang may 500 sabong kada araw sa coliseum, na nagpapatuloy 24 oras, dahil sa online betting. “Even if there are no longer any people in the coliseum, the cockfights continued. They were holding cockfights for the whole 24 hours of the day,” ani Guiagui.

Mula sa nahuli, 130 ay bettors at pinakawalan matapos kunin ang kanilang impormasyon at statements. Ang 40 na opisyal, IT staff, cameramen, at referees ay dinala sa Manila Police District at kakaharapin ang kaso sa PD 449 (Cockfighting Law), PD 1602 (Illegal Gambling), at RA 10175 (Cybercrime Prevention Law).

Nakuha rin ang 45 computer sets at 3 tripod cameras. Kasalukuyang iniimbestigahan kung magkano ang kinita ng operasyon at kung may mas malalaking personalidad na sangkot.

Idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang e-sabong noong Mayo 2022 dahil sa epekto nito sa lipunan, matapos mawala ang 34 sabungeros sa mga operasyon ni gambling tycoon Atong Ang, na may P20-milyong bounty at patuloy hinahanap ng pulisya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here