Home METRO 18-anyos, nakuryente habang nagsasampay, dedbol

18-anyos, nakuryente habang nagsasampay, dedbol

1
0

BUKIDNON, Philippines – Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos makuryente habang nagsasampay ng damit sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon noong Biyernes ng hapon, Agosto 7.

Ayon sa pulisya, idineklarang dead on arrival ang biktima sa Pahilan Doctors Hospital matapos itong isugod roon.

Batay sa imbestigasyon, nagsasampay ang biktima ng bagong labang damit sa isang improvised clothesline na gawa sa cable wire nang makuryente ito.

Sa isinagawang inspeksiyon ng pulisya at First Bukidnon Electric Cooperative (FIBECO), natuklasang may live electric wire na may punit na insulation na direktang nakadikit sa bubong ng bahay ng biktima, na konektado naman sa metal na sampayan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here