Home METRO 18 bahay naabo sa sunog sa Tandang Sora

18 bahay naabo sa sunog sa Tandang Sora

MANILA, Philippines – Natupok ng apoy ang nasa 18 tirahan sa General Avenue, Barangay Tandang Sora Quezon City nitong gabi ng Miyerkules, Disyembre 11.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa unang alarma.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil magkakadikit ang mga bahay na gawa pa sa light materials.

Lumikas naman sa katapat na chapel ang mga apektadong residente.

Samantala, lima katao ang nasugatan dahil sa sunog na agad nilapatan ng paunang lunas ng rescue team.

Inaalam pa ang kabuuang bilang ng pamilyang naapektuhan. RNT/JGC