Home NATIONWIDE DSWD nagpadala ng 20K food packs sa Kanlaon eruption victims

DSWD nagpadala ng 20K food packs sa Kanlaon eruption victims

MANILA, Philippines – Naipadala na ang kabuuang 20,000 food packs sa Visayas Disaster Response Center (VDRC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga warehouse nito sa Negros Island para sa distribusyon ng mga biktima sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Nitong Miyerkules, Disyembre 11, nagpatuloy ang repacking ng mga ito sa VDRC facility located sa Barangay Tingub, Mandaue City.

Sa datos ng VDRC, nasa 5,000 food packs ang naihatid na sa mga warehouse nito sa Guihulngan City, Negros Oriental, noong Disyembre 9.

Karagdagang 3,400 food packs ang naipadala sa warehouse sa Bacolod City, Negros Occidental, noong Disyembre 10.

At nitong Disyembre 11, inaasahan ang shipment ng 6,000 food packs para sa Bacolod City, at dagdag na 5,000 packs para sa Dumaguete City.

Umabot na sa 20,000 ang kabuuang bilang ng mga food packs na naipamahagi.

Sa report ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng DSWD, nitong Miyerkules ng umaga, Disyembre 11 ay may kabuuang 10,993 pamilya o 37,699 katao mula sa 23 barangay sa Western Visayas at Central Visayas ang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Kasalukuyang mayroong 3,724 pamilya o 12,368 katao ang tumutuloy sa 29 evacuation centers sa mga apektadong rehiyon. RNT/JGC