Home HOME BANNER STORY BREAKING NEWS: Tsunami ibinabala sa ilang probinsya sa Mindanao

BREAKING NEWS: Tsunami ibinabala sa ilang probinsya sa Mindanao

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng tsunami na tatama kasunod ng magnitude 7.0 na lindol na yumanig sa General Santos City nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8.

Ayon sa ahensya, inaasahan ang tsunami waves na mahigit isang metro sa normal na alon o mas mataas pa para sa enclosed bays at mga strait.

Inaasahan na ang unang tsunami wave ay darating sa pagitan ng 7:37 ng umaga at 9:37 ng umaga ngayong araw ng Lunes.

Dahil dito ay inirekomenda ang agarang paglikas ng mga residente patungo sa mataas na lugar sa mga probinsya ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here