Home NATIONWIDE 18-day campaign vs women violence suportado ng gobyerno

18-day campaign vs women violence suportado ng gobyerno

238
0

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taunang 18-Day Campaign para wakasan ang Violence Against Women (VAW).

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang kampanya, tatakbo taun-taon mula Nov. 25 hanggang Dec. 12, binigyan ng mandato ng Proclamation 1172 s. 2006, nakahanay sa layunin ng pamahalaan na panindigan ang karapatan ng mga kababaihan at tugunan ang lahat ng uri ng gender-based violence.

Sinabi pa ng PCO na ang pagdiriwang ay pinalakas ng Republic Act 10398, idineklara ang Nov. 25 ng bawat taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children (VAWC).

Sa ilalim ng batas, inatasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na itaas ang kamalayan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng epekto ng karahasan laban sa mga kababaihan at i-promote ang eliminasyon nito.

Sinabi pa ng PCO na ang kampanya ay nagsimula noong Nov. 25, ang International Day to Eliminate VAW, hanggang sa Dec. 10, International Human Rights Day.

“The campaign is to emphasize VAW is a human rights violation and to ensure better protection for survivors and victims of violence,” ayon sa PCO.

Ayon sa depinisyon o pakahulugan ng United Nations, ang karahasan laban sa mga kababaihan ay “any act of gender-based violence that results in, or is likely to result in, physical, sexual, or mental harm or suffering to women, including threats of such acts, coercion or arbitrary deprivation of liberty, whether occurring in public or private life.”

Tinukoy naman ng PCO ang National Demographic and Health Survey (NDHS) ng Philippine Statistics Authority noong 2017, na nagsiwalat na isa sa apat na mga kababaihan na may edad na 15 hanggang 49 ay nakaranas ng ‘physical, emotional, o sexual violence’ mula sa kanilang partner, kama-anak o kakilala.

“Globally, the World Health Organization (WHO) reports that about one in three women (35 percent) has endured physical and/or sexual violence from an intimate partner or non-partner in their lifetime,” ayon pa rin sa PCO. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here