Home NATIONWIDE 18 kaso ng health concerns sa binawing infant formula, naitala – FDA

18 kaso ng health concerns sa binawing infant formula, naitala – FDA

306
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na nakatanggap ito ng hindi bababa sa 18 ulat na may kaugnayan sa “health concerns” dahil sa paggamit ng mga binawi na produkto ng infant formula.

Ang mga partikular na produkto ay Nan Optipro at Nankid Optipro na mayroong limitadong batches kung saan binawi kamakailan ng Nestlé Philippines dahil sa nakitang posibleng quality issue.

Sa isang pahayag, sinabi ng FDA na noong Enero 15, 2026, nakatanggap ito ng 25 reports na may kinalaman sa ni-recall na produkto.

Tiniyak naman ng kompanya na tanging maliit na bilang ng batches sa Pilipinas lamang ang apektado.

Maaaring i-tsek ng konsumer kung ang mga produktong nabili ay apektado ng recall sa pamamagitan ng pag-input ng batch number nito na makikita sa box at foil packaging sa website.

Maaari ding makipag-ugnayan sa Nestlé Philippines sa pamamagitan ng hotline +632 9898 0001, email [email protected], o sa kanilang Facebook page.

Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ng Nestlé Philippines na nakikipagtulungan ito sa FDA upang matugunan ang mga naiulat na health concerns tungkol sa mga na-recall na produkto ng infant formula. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here