Home LIFESTYLE HEALTH Bagong alituntunin sa MAIFIP, ilalabas sa Pebrero

Bagong alituntunin sa MAIFIP, ilalabas sa Pebrero

447
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ilalabas sa Pebrero ang mga bagong guidelines para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Sa ilalim ng mga bagong alituntunin, palalawakin ang saklaw ng benepisyo sa ambulatory care, ambulatory surgical clinics, eye centers, ophthalmology services, dental services, free-standing dialysis clinics, at mga gamot na aprubado ng Food and Drug Administration.

Kasama rin dito ang 100 porsiyentong saklaw ng mga propesyonal na bayad ng mga doktor alinsunod sa mga patnubay ng DOH.

Mula sa P41 bilyon sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA), tumaas ang pondo ng MAIFIP ngayong taon sa P51.6 bilyon, na magsisilbing basehan sa mga bagong alituntunin na ilalabas ng DOH bago matapos ang susunod na buwan.

Dinipensahan ng MalacaƱang ang pagtaas ng alokasyon sa MAIFIP sa ilalim ng 2026 GAA, na sinasabi na ang pondo ay direktang mapupunta sa mga lokal na yunit ng pamahalaan at mga ospital, na ang DOH ang pangunahing tagapagpatupad.
Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here