Home NATIONWIDE 180K pasahero sa NAIA asahan na sa Holy Week break!

180K pasahero sa NAIA asahan na sa Holy Week break!

MANILA – Inaasahan ng airport authorities ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa, na may humigit-kumulang 180,000 manlalakbay araw-araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lamang.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Acting General Manager Eric Jose Ines na humigit-kumulang 50,000 pasahero ang madadagdag sa pang-araw-araw na average na 130,000 para sa Holy Week break.

Mas mataas ito kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 20,000 karagdagang pasahero.

“We’re expecting more passengers, especially in the domestic (destinations). It’s more convenient to travel these days, even to nearby cities in the region. So we are expecting higher than 20,000,” ani Ines sa isang interbyu.

Bilang paghahanda para sa Semana Santa, ang MIAA ay naghahanap ng mga paraan upang makipagtulungan sa mga kapulisan  at Metropolitan Manila Development Authority upang matulungan silang pamahalaan ang traffic build-up malapit sa paliparan.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Office for Transportation Security na si Kim Marquez na mayroong mahigit 1,100 tauhan na namamahala sa pangunahing gateway ng bansa.

“We remind the passengers to check the OTS prohibited items list, to avoid delays and long queue in processing. Kung may pagdududa, mas mabuting iwanan na lang ang item sa kanilang bahay para maiwasan ang pagkumpiska,” ani Marquez sa panayam ng Philippine News Agency.

Samantala, inaasahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang average na 7 hanggang 10 porsiyentong pagtaas ng pagdagsa ng mga pasahero sa 44 commercial airports na pinatatakbo nito.

Ang mga paliparan ng CAAP ay mayroong 231,479 na pasahero sa panahong ito noong 2021, at 1,715,720 noong 2022. RNT

Previous articleKaso vs 2 Pinoy sa Japan na nag-abandona sa bangkay ng amo ilalabas sa Marso 23
Next articleNCMF sa mga ‘di Muslim: Maging sensitibo sa panahon ng Ramadan