MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Martes na hindi bababa sa 18,000 tauhan ang ipapadala upang mag-secure sa Eleksyon 2025.
Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, maaaring madagdagan ang bilang ng mga tauhan depende sa sitwasyon, lalo na sa mga insidente tulad ng ambush o encounter.
Binanggit din niya na patuloy nilang ia-adjust ang deployment bilang bahagi ng election season.
Pinangako ni Padilla na tinitiyak ng AFP ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa panahon ng halalan.
Nagsimula ang election period noong Enero 12, at ang kampanya para sa mga kandidato sa senado ay magsisimula mula Pebrero 11 hanggang Marso 10, 2025. Santi Celario