Home NATIONWIDE Dagdag-ruta sa Cambodia hirit ng Prime Minister sa PH airlines

Dagdag-ruta sa Cambodia hirit ng Prime Minister sa PH airlines

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet ang Philippine airlines na palawigin ang kanilang operasyon sa Cambodia.

Sa isang joint statement matapos ang kanyang bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, sinabi ni Hun Manet na maaaring ikonsidera ng Philippine airlines ang bagong ‘flight routes’ sa Cambodia.

“I invite through President Marcos the Philippine carriers to explore additional routes,” ang sinabi ni Hun Manet.

“To support this initiative, Cambodia offers a new gateway to the world in our historical city of Angkor through our new Siem Reap-Angkor International Airport and later this year in our vibrant capital, Techo International Airport in Phnom Penh,” dagdag na wika nito.

Ang Siem Reap-Angkor International Airport ay ‘already operational’ ayon sa ulat.

Target din ng Cambodia ang inagurasyon ng Techo International Airport, ang bago nitong airport sa Phnom Penh, ngayong taon.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay “open for business” din, hinikayat ang mga Cambodian investors na piliin ang Pilipinas bilang kanilang investment destination.

Welcome din sa Pangulo ang umalingawngaw na tagumpay ng business forum ng Cambodia, dinaluhan ni Hun Manet, araw ng Lunes, sabay sabing pinadali ng event ang makabuluhang networking opportunities sa pagitan ng mga pribadong sektor ng dalawang bansa.

Winika ng Pangulo na ang business forum ay nagsilbing plataporma para talakayin ang potensiyal na business collaborations at palakasin ang mutual understanding ng kani-kanilang business environments at incentive schemes.

“I am confident that through this engagement, we will see more Filipinos investing in Cambodia, and more Cambodians investing in the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

“To our friends from Cambodia, I wish to reiterate that the Philippines is open for business, and we welcome the opportunity to partner and achieve greater commercial successes with you.” aniya pa rin.