MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Department of National Defense (DND) na naging matagumpay ang 26th Philippines-Republic of Korea (ROK) Joint Committee Meeting (JCM) on Logistics and Defense Industry Cooperation noong Pebrero 7.
Ang nasabing event ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-transform ang Filipino military sa isang world-class force.
Sa isang kalatas, sinabi ni DND spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong, nangyari ang JCM sa Busan, South Korea, muling pinagtibay ang defense partnership sa pagitan ng dalawang bansa.
“Led by DND Assistant Secretary for Logistics and Acquisition Joselito Ramos, the Philippine delegation was composed of key officials from the DND and the AFP (Armed Forces of the Philippines). Vice Minister Kang Hwan Seug of the Defense Acquisition Program Administration (DAPA) headed the Republic of Korea’s delegation (ROK) with representatives from DAPA, the ROK defense industry, and the Korean Embassy in the Philippines in attendance,” ang litaniya ni Andolong.
Sinabi pa niya na ang talakayan ay sumentro sa ‘defense modernization, technology transfer, at joint initiatives’ na naglalayong palakasin ang regional security.
Aniya pa, muling inulit ng ROK ang commitment nito na suportahan ang nagpapatuloy na ‘military capability development’ ng Pilipinas, biniyang diin ang kahalagahan ng kolaborasyon sa pagtugon sa nag-eebolusyon na mga hamon sa seguridad.
Samantala, sinabi naman ni Andolong na ipinahayag ni Ramos ang kanyang pagkalugod kay Vice Minister Kang para sa ‘hospitality’ ng kanyang delegasyon, bnigyang diin ang dedikasyon ng Pilipinas na mas palalimin pa ang strategic ties nito sa South Korea.
“He (Ramos) highlighted the shared values of peace, stability, and prosperity, underscoring the mutual interest in developing strong and sustainable defense capabilities,” ang sinabi ni Andolong.
Muli namang pinagtibay ng 26th JCM ang “longstanding at dynamic defense cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.
ipinapakita rin nito ang ‘shared commitment’ ng dalawang bansa sa ‘regional security at mutual growth.’ Kris Jose