MANILA, Philippines – Inanunsyo ni reelectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa noong Pebrero 11 na gagamitin niya ang “tokhang”-style na kampanya para sa halalan ng 2025.
Si Dela Rosa, ang dating hepe ng Philippine National Police na nanguna sa kontrobersyal na anti-droga ng administrasyong Duterte, ay nagpasabing bibisita siya sa mga bahay at personal na hihiling ng boto.
“Sanay tayo sa tokhang, binabahay-bahay natin, kinakatok natin ang pinto at humihiling,” paliwanag niya.
Ayon kay Dela Rosa, ang mga hindi sang-ayon sa “tokhang” ay hindi siya susuportahan.
Tumakbo siya sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at inaasahan niyang dadalo si dating Pangulong Duterte sa kanilang proclamation rally sa Pebrero 13. RNT