Home NATIONWIDE 18M high school grads na salat sa pag-intindi ng binasa sinosulusyonan ng...

18M high school grads na salat sa pag-intindi ng binasa sinosulusyonan ng DepEd

Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang upang tugunan ang isyu ng functional illiteracy matapos matuklasan na mahigit 18 milyong high school graduates (2019-2024) ang hindi marunong magbasa at umunawa.

Binanggit ni Angara na nakatutok ang DepEd sa critical thinking at mga kasanayan para sa ika-21 siglo kaysa sa memorisasyon.

“Hindi namin hahayaang may batang nahuhuli sa pagbasa at pag-unawa. The recent FLEMMS results on functional literacy highlight what we have long recognized – – literacy must be at the heart of our education reforms,” anang kalihim.

Inilunsad din ang mga programa para sa literasiya at pagsusuri sa mga paaralan upang matiyak na bawat Filipino learner ay maging functional literate at handa sa hinaharap.

Ang isyu ay lumabas sa 2024 FLEMMS na nagpakita ng mababang literasiya sa mga graduate. Santi Celario