Home NATIONWIDE Punit-passport seryosong banta sa turismo – solon

Punit-passport seryosong banta sa turismo – solon

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian na ang iniulat na “punit” passport (pagka-damage ng pasaporte) ay isang seryosong banta sa turismo ng Pilipinas.

Ayon sa kanya, kung hindi ito maaaksyunan, maaari itong makasira sa reputasyon ng bansa at magtulak sa mga turista na umiwas.

Hinikayat ni Gatchalian na panagutin ang mga responsable at pinaalalahanan ang Department of Transportation (DOTr) at mga awtoridad sa paliparan na magpatupad ng mga mas mahigpit na seguridad nang hindi nakakompromiso ang kaginhawaan ng mga pasahero.

Nagbigay din ng babala si DOTr Secretary Vince Hizon, na pinayuhan ang mga pasahero na suriin ang kondisyon ng kanilang pasaporte bago maglakbay. RNT