Home METRO 19-anyos, arestado sa buy-bust ops sa Bacolod; P2.17M tobats nasamsam

19-anyos, arestado sa buy-bust ops sa Bacolod; P2.17M tobats nasamsam

68
0

BACOLOD, Philippines – Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos ang buy-bust operation sa Purok Tahong, Barangay 2, Bacolod City noong Linggo, kung saan nasamsam ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2.176 milyon, ayon sa Bacolod City Police Office (BCPO).

Bandang 2:30 ng madaling araw, nakipagtransaksiyon ang suspek na may alyas “Nash” sa isang undercover policeman ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), kung saan nakabili ang operatiba ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,000.

Sa follow-up operation, nakuha mula sa suspek ang anim na heat-sealed sachet at apat na knot-tied plastic bags na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 320 gramo, batay sa inventory report. Tinatayang ₱6,800 ang halaga ng bawat gramo ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Police Station 2 at haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular ang illegal sale at possession of dangerous drugs.

Ayon kay BCPO Director Col. Eugene Rebadomia, tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga at hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga lumalabag sa batas.

Dagdag pa ng BCPO, mula Enero 1 hanggang Mayo 30, nakapagsagawa sila ng 269 anti-drug operations, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 319 katao at pagsasampa ng 451 kaso.

Ipinunto rin ng pulisya na patuloy ang kanilang malalaking operasyon, kabilang ang nakaraang pagkakakumpiska ng mas malaking dami ng shabu na umaabot sa milyon-milyong halaga sa Bacolod City. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here