Home METRO 19-anyos lalaki, todas sa pamamaril

19-anyos lalaki, todas sa pamamaril

240
0

CAVITE, Philippines – Isang 19-anyos na lalaki ang namatay  makaraang pagbabarilin at mapagkamalan ng di nakilalang suspek nang ituro siya ng isa pang lalaki sa Dasmainas City, Cavite.

Ayon sa nakalap na report mula sa pulisya’, Kinilala ang biktima na si John Andrei Despi Dahlen, 19, residente ng Sitio Talisayan, Tabing Ilog, Brgy. Sampaloc 4 ng nasabing lugar.

Nagtamo ng tama sa katawan mula sa isang di nakilalang lalaki na nakasuot ng kulay itim na long-sleeve sublimation shirt at itim na pantalon na tumakas matapos ang pamamaril.

Base sa ulat, lumapit ang isang di nakilalang lalaki sa biktima sa siyang itinuturo ng isa pang lalaki na si alyas “Joel”.

Dito na nilapitan ng suspek at sinabihang “halika” kaagad namang lumapit ang biktima pero mga ilang metro lang ang kanilang layo ay biglang siyang pinagbabaril ng suspek na nagresuta sa kanyang kamatayan, saka tumakas sa diresiyon  patungong Charbel South Subdivision .

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pullisya sa kaso kasabay ng backtracking sa CCTV para pagkakakilanlan ng tumakas na suspek. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here