Home NATIONWIDE 19-anyos patay sa gumuhong tulay sa Davao City

19-anyos patay sa gumuhong tulay sa Davao City

MANILA, Philippines – Patay ang isang 19-anyos na steelman habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamahan sa trabaho matapos gumuho ang isang bakal na tulay sa Panacan, Davao City.

Sinabi ng pulisya na nagtatrabaho ang tatlo sa tulay nang bumigay ang mga braces ng column at tumama sa kanila.

Kinilala ang nasawi na si JP Oftana habang ang mga nasugatan ay kinilalang sina Ian Jarol, 25, at Rogelio Roxas, 28.

Dahil sa insidente, pansamantalang itinigil ang operasyon.

Iniimbestigahan ng pulisya kung nakasuot ng safety gear ang mga manggagawa nang mangyari ang insidente. RNT