Home METRO ‘Tinga’ laglag sa buy-bust

‘Tinga’ laglag sa buy-bust

MANILA, Philippines – Nakumpiskahan ng tinatayang 53 gramo ng shabu ang isang High Value Individual sa Taguig City maghahatinggabi ng Martes.

Sa ulat ng Taguig Police Station at ng Regional Director NCRPO , kinilala ang inaresto sa MLQ, Bgy. New Lower Bicutan, Taguig na isang Joel Tinga.

Napag-alamang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na sina PCpl Alvin Domasig, PSSg at Johny Buyawe Jr; at PSSg Martel Charles Lacuesta sa direct supervision ni PCPT Kenny Khamar Khayad, Chief SDEU sa guidance ni PCol Christopher F Olazo, Acting Chief of Police laban sa suspek sa MLQ, Bgy New Lower Bicutan 11:40, Martes ng gabi.

Nakumpiska kay Tinga ang 8 piraso ng heat sealed transparent sachet na may shabu na tinatayang 53 gramo na may Standard Drug Price na P360,400.00; 1 color green na pouch, 1 piraso ng genuine Five Hundred Peso Bill (P500.00) buy-bust money at 6 piraso ng One Thousand Peso boodle money.

Nahaharap ngayon si Tinga sa paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165. Dave Baluyot