Home METRO 19-anyos patay sa pamamaril ng ama ng 2 menor na ‘pinagtripan’ sa...

19-anyos patay sa pamamaril ng ama ng 2 menor na ‘pinagtripan’ sa Iloilo

1
0

ILOILO – Patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos umanong barilin at bugbugin ng isang ama at dalawa nitong menor de edad na anak sa Passi City.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan nang mapadaan sa lugar ang dalawang magkapatid na menor de edad.

Dito umano nagsimula ang komprontasyon matapos umanong pagbiroan o “pagtripan” ng biktima ang dalawang menor de edad.

Nauwi umano ang alitan sa batuhan ng bote bago nagsumbong ang magkapatid sa kanilang ama.

Pinuntahan umano ng ama ang 19-anyos at binaril ito.

Matapos ang pamamaril, binugbog pa umano ng ama at ng kaniyang dalawang anak ang biktima.

Hindi na nakaligtas ang 19-anyos sa mga tinamong sugat.

Kalaunan, isinuko ng mga kaanak sa pulisya ang lalaking itinuturong namaril.

Mahaharap siya sa reklamong murder habang wala pa siyang inilalabas na pahayag kaugnay ng insidente.

Samantala, inilagay sa kustodiya ng Passi City Social Welfare and Development Office ang dalawang menor de edad.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at pananagutan ng mga sangkot. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here